BUY LOCAL CAMPAIGN NG DTI, SUPORTADO NG PNP ISABELA

25
Cauayan City, Isabela- Naglabas ng kautusan si PCol Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office bilang pagsuporta sa Buy Local Advocacy campaign ng DTI Isabela.

Kasunod ito ng ginawang pakikipagpulong kay DTI Provincial Director Maria Sofia Narag.

Nagkasundo ang dalawa kung saan pinaboran at suportado ng pinuno ng IPPO ang pagtangkilik sa mga produktong gawa ng mga Isabelino.

Batay sa nilalaman ng Office Order, 10% sa total procurement value ng goods and services ng IPPO ay gagamitin o gagastusin sa locally produced goods and services kada taon.

Layunin nito na matulungan ang mga nasa sektor ng Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sa probinsya ganun din sa ekonomiya ng Isabela lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments