Manila, Philippines – Inilatag na ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority ang kanilang ginagawang preparasyon para sa pagdagsa ng mga pasahero sa paliparan ngayong Semana Santa.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, inabisuhan na nila ang kanilang mga personnel na maging alerto para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Mahigpit din ang implementasyon ng traffic management lalo na sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Dagdag pa ni Monreal, kinansela na rin lahat ng vacation leave ng mga airport personnel.
Maglalagay din aniya ng mga libreng water stations sa mga airports.
Tiwala naman ang MIAA na maa-accommodate ng mga airport personnel lahat ng pasaherong dadagsa ngayon sa mga paliparan.
Nation”