CAAP, hindi na maglalabas ng NOTAM kaugnay ng Traslacion ng Poong Nazareno

Hindi na maglalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng no-fly at no-drone zones sa bisinidad ng Quirino Grandstand at Quiapo Church sa Traslacion sa January 9.

Ayon sa CAAP, ito ay dahil sa ang naturang mga lugar ay sakop na ng RP-P1 o restricted airspace.

Partikular ang lateral at vertical flying kung saan bawal ang two-nautical-mile radius hanggang 5,500 feet mula sa  Malacañang Palace.


Nilinaw ng CAAP na hindi na sila kailangang magpatupad ng NOTAM sa Traslacion dahil permanenteng restricted zone ang lugar para sa unauthorized flights, kabilang na ang pagpapalipad ng drones.

Facebook Comments