CAAP, walang naitalang kanseladong flight sa kabila ng nararanasang sama ng panahon dahil sa Bagyong Isang

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala silang namo-monitor na kanseladong flight ngayong araw.

Ito’y kahit pa nararanasan ang malakas na ulan at hangin dulot ng epekto ng Bagyong Isang at binabantayan pang Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa CAAP, patuloy silang nakabantay sa lahat ng mga paliparan na kanilang pinangangasiwaan at inalerto na rin ang lahat ng kanilang personel para umalalay sa mga pasaherong maapektuhan kung sakaling may kanselasyon.

Pinayuhan na rin nila ang mga pasaherong may mga scheduled flight na magtungo ng maaga sa terminal para hindi maantala o maabala pa sa kanilang biyahe.

Samantala, inabisuhan na rin nila ang mga pasaherong makipag-ugnayan sa kanilang airline company kung sakaling magkaroon ng kanselasyon ay maaring mag-request ng refund o rebooking ng kanilang flight.

Facebook Comments