By: Joanna Ricote
Ipina ilalim ngayon sa threat level number 3 ang lungsod ng Cagayan de Oro.
Ito ay dahil sa natanggap na impormasyon ng kapulisan na may plano umanong umatake ang mga newly trained maute sa lungsod ng Cagayan de oro at Iligan City.
Ayon kay Police Chief Insp. Mardy Hortillosa, ang spokesperson ng COCPO na ipila ilalim sa threat level number 3 ang lungsod, alinsunod sa directiba ng kanilang City Director na si Police Sr. Supt. Robert Roy Bahian, subalit itinaas naman sa level 5 ang security measures na kanilang ipinatupad.
Ibig sabihin na gagamitin nila ang lahat ng kanilang mga personahe para sa deployment at intelligence coordination.
Ito ay isinagawa noong dinaklara ni Presidente Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao kung saan napag-alaman na isa ang Cagayan de Oro sa target ng nasabing terrorist group.
Dahil dito, pina-alalahanan ng kapulisan ang taumbayan na maging alerto at daling tumawag sa mga pulis kung sakaling may makitang kaduda-dudang tao sa kanilang paligid.
Cagayan de oro, ipina ilalim sa threat level number 5.
Facebook Comments