Cagayan de Oro, niyanig ng intensity 4 na lindol

Niyanig ng Intensity 4 na lindol ang syudad ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental at iba pang karatig na lugar kahapon.

Ito ang inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Officer in-charge Marcial Labininay sa interview ng dxCC-RMN.

Ayon kay Labininay nga nakapagtala sila ng ilang pagyanig mula pa ala 1:48 ng madaling araw hanggang alas singko ng umaga.


Unang naitala ang lindol na tatlong kilometro sa North West Wao, Lanao del Sur at purely tectonic in origin na may magnitude 4.4.

Alas 4:47 ng madaling araw kahapon niyanig naman ng 5.3 magnitude na lindol ang North East Kalilangan, Bukidnon.
Alas 5:30 ng umaga, niyanig ng 4.1 magnitude na lindol ang Don Carlos, Bukidnon at nasa 11 kilometers ang deep of focus nito

Facebook Comments