Lal-lo, Cagayan – Nagkaroon na ng Maiden Flight kahapon, March 23, 2018 sa oras na alas kwatro kinse ng hapon ang Cagayan North International Airport o ang pinakabagong paliparan sa bayan ng Lal-lo.
Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, ang maiden flight ay mula sa Macau, China via Royal Air RJ 100 na may lulang mahigi’t kumulang sa pitumpong turista na pasahero kabilang ang crew ng nasabing eroplano
Pinangunahan ng ilang Cagayan Economic Zone Authority o CEZA Officials, Board Member Olive Pascual ng first district, Lal-lo Mayor Florante Anteng Pascual at Vice Mayor Oliver Pascual at iba pang local officials, ang pagbukas ng commercial flight sa naturang paliparan kung saan binasbasan ito sa pamamagitan ng pagbuhos ng Champagne at pagsalubong sa mga turista na mag-tour o iikot sa buong Cagayan sa loob ng labing dalawang araw.
Samantala sa darating na Marso bente syete ang susunod na commercial flight at pinag-uusapan pa lamang sa ngayon ang Apri 1, 2018 para sa Cebu Pacific Air.