Cauayan City, Isabela- Muling ibinalik sa ‘High’ na kategorya ang Epidemic Risk Classification ng buong Rehiyon Dos.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health Regional Office No. 2, lalong tumaas ang bilis ng pagdami ng mga positibong kaso o Average Daily Attack Rate (ADAR) ng virus sa buong rehiyon sa nakalipas na dalawang Linggo.
Ang buong Lalawigan ng Cagayan ay nasa ilalim ng ‘High Epidemic Risk Classifications’ ganun din ang Tuguegarao City.
Nasa ‘Moderate’ classification naman ang Lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya kabilang ang City of Ilagan.
Habang ang Lalawigan ng Quirino maging ang Santiago City at Cauayan City ay nasa ‘Low’ status.
Nananatili naman sa ‘Minimal’ classification ang Lalawigan ng Batanes.
Muling nananawagan ang Kagawaran sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na minimum health protocols upang hindi mahawaan ng COVID-19 o makahawa sa iba.