Namigay ng mga assorted grocery items at mga medical supplies at multivitamins ang mga Cagayano Cops sa mga mamamayan ng naturang barangay para makatulong manlang ngayong panahon ng pandemya sa tulong na rin ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan sa Lalawigan.
Bukod dito, ay nagkaroon din ng feeding activity ang kapulisan na pinangunahan ng My Brother’s Keeper Life Coaches, PRO-2 Officers Ladies Club, at ng CPPO Ladies Link bilang bahagi ng programang Pa-MANNA sa Bata ng CPPO at MBK-LC.
Namigay din ang PNP Cagayan ng tsinelas sa mga batang dumalo sa aktibidad bilang bahagi pa rin ng proyektong Pa-Tsinelas ng kanilang Provincial Director.
Ang nasabing aktibidad ay isa lamang sa mga serbisyo na inihahatid ng mga pulis sa Cagayan upang matulungang umangat ang pamumuhay ng mga residente at tuluyang maiwaksi ang komunismo at terorismo sa Lalawigan.