Senado, wala pang tugon sa hirit na house arrest ng dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation

Hindi pa tinutugon ng Senate Blue Ribbon Committee ang hirit na house arrest ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Mohit Dargani at Lincoln Ong na apat na buwan ng nakabilanggo sa Pasay City Jail.

Ayon sa komite, pinag-aaralan pa ng mga senador ang nasabing kahilingan nina Dargani na syang corporate secretary at treasurer ng Pharmally at Ong na director naman ng kompanya.

Sina Dargani at Ong ay ipinakulong ng mga senador sa Pasay City Jail dahil sa hindi nila pagsumite sa Senado ng mga dokumento ukol sa financial statements ng Pharmally at sa pagbili dito ng gobyerno ng pandemic supplies.


Paliwanag ng kanilang mga abogado, nahihirapan na sina Dargani at Ong sa kulungan gayong hindi pa naman sila nalilitis sa korte at nahihirapan na rin kanilang pamilya sa sitwasyon.

Facebook Comments