Caloocan PNP, nagbigay na ng taning sa mga lalabag sa city ordinance

Caloocan – Aabot sa 42 menor de edad ang hinuli sa isinagawang Oplan Rody (Rid the Streets of Drunkards and Youths) sa Caloocan City.
Bukod sa mga menor de edad, 50 lalaki na nag-iinuman sa kalsada at walang damit pang-itaas ang pinagdadampot ng mga pulis.
Tulad ng dati, pinag-push up ang mga nahuling nag-iinuman habang ipinatawag naman ang mga magulang ng mga menor de edad para muling ipaalala ang curfew hour.
Pagmumultahin at ikukulong naman na ng Caloocan police sa mga susunod na araw ang mga mahuhuling lalabag sa city ordinance dahil tapos na ang isang buwan na warning phase na ibinigay sa mga ito.

Facebook Comments