Wednesday, April 1, 2026

Cardinal Advincula, pangungunahan ang mga aktibidad sa Manila Cathedral ngayong Holy Week

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga aktibidad sa Manila Cathedral ngayong Holy Week.

Ayon sa Archdiocese of Manila, alas-siyete ng umaga bukas isasagawa ang Chrism Mass sa Cathedral, kung saan babasbasan ang mga sacred oil na gagamitin sa buong taon.

Sa hapon naman ng Huwebes Santo, pangungunahan ng kardinal ang Mass of the Lord’s Supper.

Alas-otso y medya ng Biyernes Santo ang Stations of the Cross, na pagkakataon para sa mga deboto na pagnilayan ang naging pagpapakasakit ng Panginoon.

Alas-dose ng tanghali ang Siete Palabras o pagninilay sa pitong huling wika ni Jesus, bago ang Mass for the Commemoration of the Lord’s Passion alas-tres ng hapon.

Si Cardinal Advincula rin ang mangunguna sa Easter Vigil Mass alas-otso ng gabi sa Sabado de Gloria.

Sa kaniyang mensahe sa pagsisimula ng Mahal na Araw noong Palm Sunday, hinikayat niya ang mga Katoliko na yakapin ang kabanalan ni Hesus at ang pag-asang nag-ugat sa pananampalataya sa Diyos.

Facebook Comments