
CAUAYAN CITY – Mayroon nang bagong Livelihood Training Center ang Cauayan City Agriculture Office na matatagpuan sa New Government Center, Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Ayon kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, ang perang ginamit sa naturang proyekto ay mula sa pondo ng Lokal na Pamahalaan kung saan ay inilaan ang mahigit P6 million.
Magagammit umano ang naturang gusali sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at seminars sa mga magsasaka sa buong Lungsod.
Bukod sa Training Center, naglaan din pondo ang LGU Cauayan para naman sa isinasagawang warehouse kung saan gagamitin ito bilang imbakan ng mga farm inputs.
Makatutulong ang itinatayong warehouse dahil maaari rin itong gamitin bilang evacuation center para sa mga magsasakang apektado ng sakuna at kalamidad tulad ng pagbaha at bagyo.