
Handang mag-supply ng bigas ang Cambodia sa Pilipinas bilang suporta sa pagsusulong ng food security sa bansa.
Ayon kay Cambodian Prime Minister Hun Manet, bukas ang kanilang bansa para palakasin ang kalakalan at pamumuhunan at mga bagong oportunidad.
Hindi lang din bigas ang pwede nilang i-supply sa Pilipinas kundi maging ang iba pang produkto.
Bukod sa pagpapalakas sa agrikultura, inimbitahan din ng Punong Ministro si Pangulong Marcos Jr. na hikayatan ang mga air travel companies na magdagdag ng ruta sa Cambodia para sa pagpapalakas ng turismo at people-to-people exchange.
Napagkasunduan din ng Pilipinas at Cambodia ang kooperasyon para sa palitan ng pinakamahusay na mga paraan sa competition law.
Facebook Comments