Cauayan City Disaster Risk Reduction and management Council, Ikinatuwa ang Kawalan ng Casualty!

auayan City, Isabela – Ikinatuwa ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council na walang naitalang casualty sa lungsod matapos na manalasa ang bagyong ompong.

Sa naging mpanayam ng RMN Cauayan sa hepe ng Rescue 922 na si Cornelios Dalog, sinabi nito na wala umanong naiulat na nasawi at hindi rin umano sila nahirapan upang palikasin ang mga residente mula sa mga nabahang lugar.

Aniya sa kanilang pagresponde sa kasagsagan ng bagyong ompong ay mayroon umanong labing apat na residente ang kanilang nirespondehan na kinabibilangan ng mga buntis, self-incidents at troma.


Samantala babalik na ngayong araw ang limang katao na ipinadala ng rescue 922 team na tumulong sa pagresponde sa lalawigan ng Cagayan sa kasagsagan ng bagyo.

Facebook Comments