Cauayan City, Isabela – Muling nag-paalala ang City Health Office sa lahat ng residente sa lungsod ng Cauayan na panatilihin ang kalinisan sa katawan at sa kapaligiran upang makaiwas sa mga sakit na maaring makuha lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay ginoong Errol Rudolf Maximo, ang Health Education Promotion Officer ng City Health Office 1 na uso sa ngayon ang sakit na dengue ngunit hindi umano ito nakakaalarma sa bilang ng mga natatamaan ng sakit sa lungsod kung kayat nararapat lamang umano na panatilihing malinis ang kapaligiran.
Nagpaalala pa ang opisyal na panatilihing may takip ang mga nakaimbak na tubig, dapat na palitan ang tubig ng mga flower base, linisin ang mga gulong, goma at plastic upang makaiwas sa sakit na dengue.
Samantala dapat umano na magpakonsulta kaagad sa doctor kung may mga sintomas ng sakit na dengue tulad ng paulit-ulit na lagnat at rushes sa katawan upang kaagad na masuri at maagapan ang nasabing sakit.