Inaasahang ngayon taon ay ganap ng isang State University ang Cotabato City State Polytechnic College, ito ang sinabi ni CCSPC President Dammang Bantala sa panayam sa kanya ng DXMY. Anya puspusan na ang pagconstruct ng bagong mga classrooms at pagrenovate ng ilang gusali para sa preparasyon sa State University. Ang entrance gate ay aayusin ganun din ang gymnasium at iba pa…magle-level up narin ang pagtuturo kung saan kumuha ng maraming professors para makaagapay sa State University na standard.
Samantala wala ng rason upang hindi makapag aral ang mga mahihirap na Pilipino dahil sa Free Tuition law ay pwede ng tumuntong sa kolehiyo kahit walang pera ang mga magulang…
Katulad ditto sa CCSPC ay inihayag ni President Dammang Bantala na sa susunod na second semester at ma-avail na ng mga estudyante ang 100% free tuition o kahit piso daw ay wala ng babayaran.
Anya lang ay kailangan ipasa lang ang entrance exam at sa kursong nais nitong kunin dapat ma-maintain ang grades….Sinabi pa ni Bantala na dapat din makapagbigay ng records ang estudyante na silay mahirap lang para libre na ang lahat ng gastosin.
CCSPC maging State University na ngayong taon
Facebook Comments