CEASE AND DESIST ORDER | Kontrobersyal na billboard sa Makati na nagpalabas ng porn clip, ipinasara na

Makati – Agad na ipinag utos ni Makati Mayor Abby Binay ang pagsasara sa
electronic billboard na matatagpuan sa panulukan ng Sen Gil Puyat Ave. at
Makati Ave., na nagpalabas kahapon ng pornographic material.

Matatandaang nag-viral ang post ng ilang motorista na nakakita ng porn clip
kahapon kung saan umani ito ng iba’t ibang reaksyon.

Ayon naman kay Atty. Maribert Pagente, pinuno ng City’s Business Permits
and Licensing Office nagpalabas na sila ng cease and desist order sa
operator ng nasabing billboard na Globaltronics.


Mananatili aniyang sarado at hindi pagaganahin ang electronic billboard
habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Tiniyak naman ni Mayor Binay na papanagutin kung sino man ang nasa likod ng
pagpapalabas ng malaswang eksena sa billboard dahil maliwanag na nagkaroon
dito ng kapabayaan.

Facebook Comments