HULI | 2 HPG Auxiliary, naaresto matapos maaktuhang nangongotong sa Batangas Port

Batangas Port – Inaresto ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task
Force ang dalawang Highway Patrol Group Auxiliary dahil sa pangongotong sa
Batangas Port kagabi.

Kinilala ang mga ito na sina Jonas Escartin Trazo at Michael De Torres
Comia, kapwa Force Multipliers ng HPG 4A.

Ayon kay PNP CITF Spokesperson Police Chief Inspector Jewel Nicanor
alas-6:45 ng gabi kagabi nang isagawa ang entrapment operation sa entrance
ng Batangas Port matapos silang makatanggap ng impormasyong na kinokotongan
ng mga suspek ang mga drayber ng trucks at iba pang sasakyang gumagamit ng
RORO.


Sa operasyon nahuli sina Trazo at Comia habang wala naman ang pulis HPG na
nakatalaga sa lugar nang isagawa ang operasyon.

Kinilala itong si PO3 Michael Angelo Bugayong.

Narekober sa mga suspek ang 100 pesos marked money at mga coins na
nagkakahalaga ng 2,110 pesos.

Facebook Comments