Ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas, idineklara

51

Nagdeklara na ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas matapos ang 11 na araw na karahasan.

Ayon sa mga otoridad, ipinatupad ang ceasefire sa pamamagitan ng pagbusina ng mga sasakyan at pagputok ng baril sa ere.


Matatandaang higit 200 indibidwal na ang nasawi matapos magpalitan ng libo-libong airstrikes ang Palestine at ang Israel.

Ito na ang pinakamalalang pag-atake sa Gaza kasunod ng tensiyon sa pagitan ng Israel at Palestinian militants simula noong 2014.

Facebook Comments