Celebrity doctor na si Vicki Belo, ibinahagi ang pakikipaglaban nito sa stage 3 breast cancer noong 2016

Ibinunyag ng celebrity doctor na si Vicki Belo na na-diagnose siya ng stage 3 breast cancer noong January 2016.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Vicki ang kaniyang pagpapagamot sa Europe at New York kung saan tinaningan siya ng mga doktor ng dalawang taon.

Naging sandigan ng celebrity doctor ang kaniyang asawa na si Hayden Kho at anak niyang si Scarlet Snow sa pakikipaglaban sa sakit.


Aniya, patuloy ang pagdasal niya sa Diyos dahil ayaw niyang iwan si Scarlet na noong panahong iyon ay sanggol pa lamang.

Laki naman ang pasasalamat niya at nalagpasan nito ang itinuturing niyang pinakamadilim na bahagi ng kaniyang buhay.

Facebook Comments