Cellphone application na kayang i-block ang iyong credit cards sa tuwing ikaw ay malalasing, click na click ngayon sa U.K.

United Kingdom – Isang naiiba at nakakatuwang cellphone application ang click na click ngayon sa mga taong mahilig gumastos kapag nalalasing.

Ang nasabing smartphone app na *Drnkpay* ay kaya daw i-blokc ang iyong credit o debit cards sa loob ng 12 oras kung ikaw ay magdamag ng umiinom ng alak para hindi ka magulat kinabukasan sa laki ng bill na nagastos mo.

Kailangan mo lang i-link ang iyong mga credit o debit cards sa nasabing application at breath analyzers para malaman kung ilang percent na ng alcohol ang iyong naiinom o nako-consume.


Bukod dito, maaari din i-block o pigilan ng “*drnkpay*” ang iyong paggastos sa mga on-line shopping, bars, food, etc., at mayroong din itong feature na “help me out” na siyang magko-connect sa uber para ihatid ka ng iyong bahay dahil sa sobrang lasing mo.
DZXL558

Facebook Comments