DESE NUEBE ANYOS NA BINATA SA SAN FERNANDO LA UNION, NAGBIGTI

Depresyon ang nakikitang dahilan ng pagbibigti ng isang dese nuebe anyos na binata sa San Fernando City sa La Union.
Ang biktima ay nakita mismo ng kanyang ate na nakabigti sa kanilang terrace gamit ang isang lubid na itinali sa leeg.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang Dead on Arrival.

Ayon sa mga kaanak nito, napansin umano nilang hindi na palakibo ng ilang araw ang biktima at sinasabing dumaranas ng matinding depresyon na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. |ifmnews
Facebook Comments