Bumitiw na sa kanyang puwesto bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB) si Cesar Montano.
Nagpasa ng courtesy resignation ang aktor sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit wala siyang ibinigay na dahilan sa kanyang letter.
Hindi naman maiiwasang maiugnay ang resignation ni Cesar sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng kanyang pamunuan dahil sa proyektong Buhay Carinderia. Kaugnay ito ng balitang umabot sa PHP320 milyon ang budget para dito. Sa kasalukuyan, may nailabas nang PHP 80 milyon na tseke para sa nasabing proyekto.
Opisyal na inilunsad ang Buhay Carinderia sa media noong April 11 sa ilalim ni dating DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo, kung saan dumalo si Linda Legaspi, president at CEO ng Marylindbert International na napiling mamahala at ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff na content creator ng proyekto.
Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng newly elected secretary ng Department of Tourism (DOT) na si Bernadette Romulo-Puyat na imbestigahan ng Commission on Audit (COA) ang mga proyektong inilunsad ng TPB.
Sa isang panayam kay Secretary Puyat noong May 17, sinabi nitong nakausap niya si Cesar tungkol sa di umano’y kawalan ng public bidding ng mga naturang proyekto at ayon sa aktor, “in good faith” ang mga naging hakbang niya.
Naniniwala naman si Secretary Puyat sa paliwanag na ito ngunit aniya, “Pero sa akin, ang gagawin kong patakaran, lahat transparent, lahat may bidding.”
Cesar Montano, nag-resign na bilang Tourism Promotions Board Chief
Facebook Comments