Checkpoint ng mga pulis ngayong umiiral ang gun ban, limitado lang sa visual search

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan sa pagsasagawa ng checkpoint kaugnay sa umiiral na gun ban sa paghahanda sa national at local election.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, dapat ay visual search lamang ang gagawin ng mga pulis sa mga ikinakasang checkpoint.

Pero kung kinakailangan aniyang halughugin ang sasakyan lalo’t kung ito ay authorized ng batas ay gagawin ito ng mga pulis.


Sinabi ni PNP chief, simula kahapon June 9, ay nagsimula na ang gun ban na magtatagal hanggang June 8, 2022.

Lahat aniya nang indibdiwal na may hawak na baril ay dapat may maipakitang kopya ng valid Certificate of Authority na sila ay exempted sa gun ban at kung walang maipakita, sila ay kakasuhan ng paglabag sa Commission on Election (COMELEC) rules.

Exempted sa gun ban ang lahat ng police personnel na may official duty para sa eleksyon.

Facebook Comments