MANILA, PHILIPPINES – Maglalabas ng moratorium ang Commission on Higher Education para sa mga educational tour at field trips ng mga kolehiyo sa bansa matapos ang nangyaring aksidente sa Tanay, Rizal nitong lunes.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera, sumang-ayon ang Commisison En Banc sa kaniyang mungkahi na pagkakaroon muna ng moratorium para mapatibay pa ang CHED memorandum order number 17 series of 2012.
Nakasaad sa memorandum ang mga polisiya at guidelines hinggil sa pagkakaroon ng educational tour at field trips.
Sinabi ni De Vera na, walang koordinasyon sa ched ang BesLink College of the Philippines hinggil sa isinagawa nilang educational tour sa Tanay, Rizal.
Wala rin aniyang record na nagpapakita na nagsumite ng sulat sa CHED na isang requirement para sa educational tour.
Bukod rito, wala rin sa ched memorandum ang pag rerequire sa mga estudyante na sumama sa anumang tour.
Iginiit pa ni De Vera na may pananagutan pa rin ang eskwelahan kahit pa may waiver umanong pinirmahan ang mga magulang.
Nabatid na walang koordinasyon sa ched ang bestlink college of the philippines hinggil sa isinagawang educational tour sa tanay, rizal.
Wala rin record na nagpapakita na nagsumite ng sulat sa ched na isang requirement para sa nasabing educational tour.