Chinese Prime Minister Li, muling iginiit na nirerespeto ang deklarasyon ng Conduct of Parties sa South China Sea at UNCLOS

Muling iginiit ni Chinese Prime Minister Li Kequiang na kinilala at nirerespeto nila ang deklarasyon ng Conduct of Parties sa South China Sea at international laws kabilang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ginawa ng Prime Minister ang pahayag sa ginanap na ASEAN Plus Three Summit sa Phonm Pehn, Cambodia.

Sinabi ni Li na umaasa siyang patuloy na magtutulungan ang Pilipinas at China kasama ang ASEAN para sa peace stability sa South China Sea, lalo na ang pagrespeto sa COC at mga international laws.


Samantala, nagkausap naman sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Prime Minister Li Kequiang sa Phonm Pehn, Cambodia na sidelines sa ginanap na ASEAN Plus Three Summit.

Si Chinese Prime Minister Li ay representative ni Chinese Xi Jinping sa ginaganap na 40th at 41st ASEAN Summit sa Cambodia.

Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Prime Minister Li na naniniwala siyang magpapatuloy ang magandang relasyon ng China at Pilipinas sa kabila ng mga pagkakaiba.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos kay Li na naalala nya ang ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr at mga inisyatibo nito para tumungo sa China na naging dahilan ng pagsisimula ng Philippines at China Family.

Nagkasundo ang dalawang lider na mas magkakaroon sila ng matagal na talakayan patungkol sa unity at cooperation.

Ang ASEAN-Plus Three ay kinabibilangan ng 10 miyembro ng ASEAN kabilang ang China, Japan at ng Republic of Korea.

Facebook Comments