CHR, ikinatuwa ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga tauhan ng PNP at PDEA kaugnay ng misencounter sa Quezon city noong February 2020

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa apat na police officers at tatlong Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents na sangkot sa nangyaring misencounter’ sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong February 4, 2020.

Ayon kay CHR Executive Director, Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang aksyon ng Department of Justice (DOJ) National Prosecution Service ay mahusay na hakbang upang maiwasang muling maulit ang madugong sagupaan ng dalawang anti-drug operation unit ng gobyerno.

Bagama’t ipinakita nito na may nadidisiplinang mga law enforcers, mananatili umanong mapagbantay ang CHR sa itatakbo ng kaso ng mga kinasuhang police officers at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Dahil rin aniya sa gagawing pagsasanpa ng kaso, magdadalawang isip na ang ilang law enforcers na may malabag na karapatang pantao sa mga ikinakasang anti-drug operations.

Pinapurihan naman ng CHR ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at PDEA sa pagpapatibay ng joint guidelines sa pagpapatupad ng mga anti-drug operations at maiwasang maulit ang misencounter sa pagitan ng kani-kanilang mga anti-drug operatives.

Facebook Comments