Special election sa Tubaran, Lanao del Sur bukas, all systems go na! – COMELEC

42

Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na ‘all systems go’ na ang isasagawang special election sa Tubaran, Lanao del Sur bukas, May 24.

Ayon kay COMELEC Deputy Executive Director for Operations Teopisto Elmas, nakahanda na ang mga election paraphernalias katulad ng mga balota at mga vote counting machines (VCMs).

Dagdag pa ni Elmas na nakalatag na rin ang security plan upang matiyak na magiging mapayapa ang gaganaping halalan.


Aabot sa higit 1,000 security forces ang itatalaga para bantayan ang seguridad ng naturang halalan.

Nabatid na tinatayang nasa higit 6,000 na mga botante ang lalahok sa isasagawang special elections sa 12 barangay na may 15 clustered precincts sa bayan ng Tubaran.

Facebook Comments