Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 10 na bumuo ng inter-agency body para magpatupad ng aftercare program sa mga nagpapagaling na drug users.
Ayon kay CHR Executive Director at Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, kinikilala nila ang pagbibigay halaga ng DSWD sa rights-based approach sa pagharap sa drug problem sa bansa.
Marapat na bigyang komendasyon ang ganitong hakbang dahil maihahanda nito ang mga dating drug dependents na makapanumbalik sa kanilang dating produktibong buhay.
May mungkahi naman ang CHR sa inter-agency body.
Kabilang na rito ang pagsama ng mga long term solution tulad ng socio-economic, health, at psychological issues na bumabalot sa masalimuot na problema sa mga drug user at sa lipunang kanilang ginagalawan.