CIDG, umapela sa publiko na irespeto ang legal process kaugnay sa paghahain nila ng kaso laban kay FPRRD

Nanawagan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa publiko na iwasan ang ispekulasyong maaaring magdulot ng pagkakawatak-watak ang isinampang reklamo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, dapat irespeto ng taumbayan ang legal na proseso.

Kahapon inihain ni Torre sa Department of Justice (DOJ) ang inciting to sedition at unlawful utterance laban kay FPRRD kaugnay ng kanyang pahayag na “pagpatay” laban sa mga incumbent senators.


Ani Torre, hindi magandang magbitiw ng salita na kinalaunan ay sasabihing “biro” lamang dahil maaari itong seryosohin ng mga tagasuporta ng dating pangulo tulad ng kanyang deklarasyon sa war on drugs.

Itinanggi rin ni Torre na mayroon siyang political motive sa pagsasampa ng kaso laban sa dating Pangulo.

Facebook Comments