DFA, iginiit ang karapatan ng Pilipinas sa maritime exclusive economic zone batay sa UNCLOS sa Munich Security Conference sa Germany

Kinuwestiyon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique A. Manalo ang presensiya ng napakaraming Chinese Coast Guard (CCG) vessels sa Ayungin Shoals at sinabing pinakamalapit ito sa teritoryo ng Pilipinas sa ginanap na Munich Security Conference sa Germany nitong weekend.

Isa si Secretary Manalo sa umupong panelist sa isang round table discussion na may temang “Making Waves: Maritime Tensions in the Indo-Pacific.”

Pinag-usapan dito ng mga leader at policy maker mula sa iba’t ibang bansa ang advance regional security and multilateral cooperation pati na rin ang maritime tensyon sa pagitan ng Pilipinas at bansang China.


Hinimok ni Secretary Manalo ang mga bansa na sundin ang international law at huwag igiit ang sarili nilang batas o interpretasyon.

Habang ang Pilipinas ay bukas sa dayalogo at konsultasyon at mananatiling tapat sa mapayapang pagkakasundo sa mga alitan sa rehiyon.

Ang Munich Security Conference ay dinaluhan ng 150 ministers at 50 heads of state and government.

Facebook Comments