City LGU at PNP nagsagawa ng Simulation exercise o bomb drill

Nagsagawa kahapon ng Simulation Exercise Crisis Emergency Response o bomb drill ang Bomb Squad ng CCPO sa loob ng peoples palace ground na pinangunahan mismo ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio kung saan ito yung narinig na malakas na pagsabog pasado alas dos ng hapon, na ikinagulat ng lahat pero yun pala ay bomb drill lang.
Isinagawa din ang simulation LockDown ng siyudad sa loob ng ilang minuto…Layun ng drill na ito ayon pa kay Col.Octavio ay upang malaman kung gaano kabilis o kahanda ang mga responder kung may mga ganitong pangyayari..Anya mas mainam kung alam na ang dapat gawin ng bawat ahensya lalo na ang bomb squad at CDRRMC.
Sa ngayon ay abala ang city PNP sa pagmomonitor sa apat na sulok ng siyudad habang papalapit ang pagsalubong ng bagong taon.Naka red alert narin sila para masigurong mapayapa at matahimik ang pagsalubong ng new year.

Facebook Comments