Isang linggo bago ang pagsisimula ng klase, inihayag ng kagawaran ng edukasyon sa Region 1 na ipapatupad ang class shifting schedule sa mga paaralang nagkaroon ng sira dahil sa nangyaring magnitude 7 na lindol.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Cesar Bucsit, tagapagsalita ng DepEd Region 1, nagpapatuloy ang assessment at rehabilitasyon ng kagawaran sa mga paaralan sa rehiyon upang makita kung maikakategorya ang mga ito sa ilalim ng light o major damage.
Sa huling datos ng DepEd Region 1, nasa 191 na silid-aralan ang apektado ng lindol. Sa bilang na ito, 26 ang totally damage, 17 ang nagtamo ng major damage at 148 na paaralan ang nakapagtala ng minor damage.
Aniya, pinayagan na ang mga paaralang ito na magpatupad ng kanilang contingency measures gaya na lamang ng class shifting.
Matatandaan na ipapatupad na muna ang blended learning sa pagsisimula ng pasukan at sa Nobyembre isasagawa ang full face-to-face classes. | ifmnews
Facebook Comments