CLEARING OPERATION, ISINAGAWA SA MGA APKETADONG LUGAR SA SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Puspusan ang isinasagawang monitoring ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago matapos sumailalim sa storm signal ang Lungsod.

Kabilang sa mga lugar na kanilang binantayan ay ang mga tulay at daan kung saan mino-monitor ang antas ng tubig kung sakali mang bumaha sa lugar.

Nagsagawa rin ng clearing operation sa mga apektadong lugar lalo na sa mga natumbang at naputol na puno dulot ng malakas na hangin.


Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng mga tauhan ng LGU Santiago ngayong panahon ng kalamidad upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Santiagueño.

Facebook Comments