Nagkasa ng malawakang clearing operations sa bahagi ng Divisoria na sakop ng Tondo, Maynila.
Ang clearing operations ay pinangunahan ng Manila City Government – Department of Engineering and Public Works at Department of Public Service.
Tumulong din ang mga tauhan ng Manila Police District na nakakasakop sa Divisoria Maynila.
Pangunahing sinuyod ng clearing operations team ang mga kalye ng Soler, Elena, at Recto Avenue sa Divisoria.
Pinatanggal ang lahat ng mga obstruction o nakahambalang sa mga kalsada na nakakasagabal sa daloy ng trapiko.
Pangunahin dito ang mga vendors na ang mga paninda ay nasa lansangan na.
Kaya ang kanilang mga paninda ay itinabi at ipinaliwanag sa kanila na hindi nila dapat saklawin ang gutter na para may malakaran ang mga tao at lalong hindi nila dapat okupahin ang mga kalsada na daanan ng mga sasakyan.
Bukod ito ay winalis at hinakot din sa isinagawang clearing operations ang mga basura sa nabanggit na mga kalye sa Divisoria.
Magugunitang sa mga unang araw ng pag-upo ni Manila Mayor Isko Moreno ay ang Divisoria agad ang isa kanyang nilinis at ibinukas sa daloy na trapiko.