Clearing operations, isinagawa sa Tondo, Maynila

Nagkasa ng malawakang clearing operations sa kahabaaan ng Velazquez Street na sakop ng Zone 7, Tondo, Maynila.

 

Ang clearing operations ay pinangunahan ng Manila City Government – Department of Public Service at Manila Police District – Station 1.

 

Katuwang din dito ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau, Metro Manila Development Authority at mga Brgy. Chairman sa lugar.


 

Pinatanggal ang lahat ng mga obstruction o nakahambalang sa mga kalsada na nakakasagabal sa daloy ng trapiko.

 

Pinatibag ang bahagi ng mga bahay at iba pang establisyemento, karenderya at mga sari sari store o tindahan na sumapaw na at yung iba ay lumagpas pa sa sidewalk.

 

Ipinauwa sa mga ito na ang sidewalk ay hindi dapat inookupa dahil para ito sa mga naglalakad habang ang buong kalsada naman ay para sa mga motorista.

 

Wala naman pumalag at ang lahat ay nakipagtulungan.

 

Napagsabihan din pati ang mga kababaihan na maninis o kakapiranggot na tela ang suot at ang mga lalaking pakalat kalat sa lansangan ng nakahubad.

Facebook Comments