Kalibo, Aklan – Handa na ang COMELEC-Aklan sa pagsisimula ng kampanya ng mga lokal na kandidato bukas sa probinsya ng Aklan.
Ito ang inihayag ni Mr. Crispin Raymund “Dodoy” Gerardo, spokesperson ng COMELEC-Aklan sa RMN DYKR Kalibo.
Sa katunayan anya, ngayong araw ay magsasagawa ang COMELEC-Aklan ng isang forum sa lahat ng komitiba sa Aklan sa pangunguna ni Atty. Reinier B. Layson, Provincial Election Supervisor para sa pag-isyu ng permit to campaign.
Sa pag-accomplish ng mga permit to campaign ay merong komitiba na binubuo ng Election Officer, DILG Officer, Health Officer at Chief of Police. Sila ang may obligasyon na mag isyu ng permit to campaign.
Lahat ng mga pangangampanya, rally, caucuses at mga kandidato ay dapat na mag-apply nito sa komitiba.
Isa rito sa mga requirements ayon kay Gerardo ay ang LGU permit pero sa ngayon ay merong konting pagbabago dahil sa merong amendment ang Commission on Elections na ang lahat ng mga probinsya at syudad na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2 ay hindi na kailangan na mag-apply ng permit to campaign pero dapat i-comply naman nila ang pagkuha ng permit sa mga LGU.
Ito ay para na makapangako sila na i-observe nila ang minimum health standard protocol sa kanilang pangangampanya.
Mahigpit pa rin anya na ipinagbabawal sa mga kandidato ang pakikipag beso-beso, handshake (lamano) at pakikipag selfie sa mga supporters dahil ito ay isang paglabag sa IATF Rules and Regulations.
Ipinaalala rin ni Gerardo hindi lamang sa mga kandidato at supporters kundi sa lahat ng Aklanon na maging maingat sa lahat ng ginagawa para hindi tayo ang maging dahilan ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 dahil kung sakaling muling tumaas ang Alert Level ay ipapatupad nila ang istriktong requirements sa permit.

Facebook Comments