COMELEC AKLAN, NAKAPAGTALA NG 11,054 NA MGA NAGPA-REHISTRONG BOTANTE

Kalibo, Aklan – Umabot sa 11,054 ang mga bagong nagpa-rehistrong botante sa Comelec sa probinsya ng Aklan. Ayon sa datos ng Comelec-Aklan, umabot sa 4,983 ang mga new registered voters na 15-17 years old. Nasa 1, 305 ang mga bagong nagpa-rehistro na nasa edad 18 hanggang 30 anyos, at 109 na mga bagong rehistradong botante na nasa edad 31 anyos pataas. Samantala, ang pinakamataas na bilang ng mga nagpa-rehistro ay sa bayan ng Kalibo na mayroong 1,266, pangalawa dito ay ang bayan ng Nabas na mayroong 1,131 na mga bagong rehistradong botante. Ang may pinakamababang bilang naman na mga bagong rehistradong botante, ay ang bayan ng Malinao na nasa 215. Sa kabilang banda, nagsimula nang pumasok sa Comelec Central Office ang mga datos mula sa ginanap na pagrehistro ng mga botante, para sa Barangay at SK Elections (BSKE). Batay sa datos ng Comelec, umabot sa mahigit 2.4 milyong botante ang nagparehistro. Matatandaan na unang pinahayag ni Comelec Chairman George Garcia na 1.5 milyong botante ang targeted na bilang na magpaparehistro, ngunit lumagpas ito dahil sa aktibong partisipasyon ng publiko.
Facebook Comments