COMELEC, bubuhayin ang precinct finder bago ang 2022 eleksyon

Muling bubuhayin ng Commission on Election (COMELEC) sa susunod na buwan ang kanilang precinct finder katuwang ang kanilang partners website.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, mirror o kopya lamang ng mga impormasyon ng mga botante ang ilalabas ng kanilang partners website.

Aniya, ang aktwal na listahan at impormasyon ng mga botante ay nasa server ng COMELEC na hindi mapapasok ng mga hacker.


Paliwanag ni Jimenez, kung website kasi ng COMELEC ang gagamitin para sa precinct finder ay babagsak ito kaya kinailangan nila ng mga katuwang.

Ang precinct finder ay ang sistemang inilaan ng COMELEC para tulungan ang mga botante na matukoy kung saang presinto sila maaaring makaboto.

Facebook Comments