MANILA – Pinasasampahan ng national privacy commission ng kasong kriminal si Commission on Election Chairman Andres Bautista.Kaugnay ito sa pagnanakaw ng personal records ng mga milyong botante noong 2016.Sa inilabas na 35-pahinang desisyon, lumabas na nilabag ng COMELEC at ni Bautista ang section 11, 20 at 21 ng data privacy act of 2013.Ang nasabing imbestigasyon ay nagbunsod sa pagpasok ng mga cyber hackers sa websites ng COMELEC noong March 27, 2016, kung saan kanilang pinalitan ang hitsura ng website at isang grupo rin ang nakapasok sa database ng COMELEC at naka-pag access sila sa mga maselang impormasyon ng mga botante.Dalawang suspek na rin ang naaresto ng mga national Bureau of Investigation-Cybercrime Division na may kinalaman sa nasabing insidente.
Comelec Chairman Andres Bautista – Pinakakasuhan Ng National Privacy Commission Kaugnay Sa Pagkawala Ng Personal Records
Facebook Comments