COMELEC, humiling sa AFP at PNP na tiyakin and seguridad ng mga poll workers sa plebisito sa Maguindanao

Umapela si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia sa Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang seguridad ng mga pollworkers sa Maguindanao.

Pahayag ito ni Garcia kasunod ng isasagawang plebisito sa paghahati ng Maguindanao sa dalawang probinsya sa September 17.

Aniya, nais nilang maging ligtas ang nalalapit na plebisito at makapagtala ng zero injury at casualty sa pagdaraos nito.


Kaugnay nito, nagsimula na ang COMELEC sa pag-imprenta ng aabot sa 818,790 na gagamitin sa manual voting ng mga residente roon.

Mababatid na inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11660 na naghahati sa probinsya ng Maguindanao sa dalawa na papangalanang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur at maipapagtibay lamang kapag makuha ang approval ng mayorya ng mga residente nito.

Facebook Comments