Tuesday, July 21, 2026

COMELEC, inilabas na ang mga areas of concern sa BARMM election

Aabot sa 27 lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakategorya bilang red election areas of concern.

Batay sa talaan inilabas ng Commission on Elections (COMELEC), pinakamarami ang red areas sa Lanao del Sur na umabot sa 21.

Kabilang din sa red category ang Al-Barka sa Basilan, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, Pandag, Shariff Aguak at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao del Sur, at Tugunan sa Special Geographic Areas.

Mayroon ding 27 lugar sa BARMM na nasa orange category.

Pinakamarami rito ang Maguindanao del Sur na may 14, kasunod ang Lanao del Sur na may lima, habang tig-tatlo ang Maguindanao del Norte at Special Geographic Areas at dalawa sa Basilan.

Samantala, 39 na lugar ang nasa yellow category at 15 ang nasa green category.

Lahat naman ng 11 bayan sa Tawi-Tawi ay kabilang sa green category, habang apat na lugar sa Basilan ang nasa kapereho nitong category.

Facebook Comments