
Mahigit 30 milyong estudyante na ang nabigyan ng iba’t ibang subsidiya ng pamahalaan ngayong taon.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong mag-aaral sa ilalim ng Presidential Scholarship Program upang mas marami ang makapagtapos ng pag-aaral.
Layon din ng programa na matugunan ang bilang ng mga estudyanteng napipilitang huminto sa kolehiyo dahil sa kakulangan sa pinansyal na suporta.
Batay sa datos, 29% ng mga estudyanteng malapit nang magtapos sa kolehiyo ang nanganganib na hindi makapagtapos dahil sa kakulangan sa pera.
Sinabi rin ni Recto na target ng programa na mas maraming kabataan sa bawat barangay ang magkaroon ng pagkakataong makatapos ng pag-aaral.
Facebook Comments









