BAGONG PRIMARY CARE FACILITY SA VIGAN CITY,MAGPAPALAPIT NG SERBISYONG MEDIKAL SA MGA RESIDENTE‎‎

Mas mapapadali na ang pag-access ng mga residente sa pangunahing serbisyong pangkalusugan matapos pormal na basbasan ang bagong Primary Care Facility ng Pamahalaang Lungsod ng Vigan noong July 18, 2026.


‎Suportado ng Ilocos Center for Health Development (Ilocos CHD) ang inisyatibang ito bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng primary healthcare services at pagsusulong ng Universal Health Care sa lalawigan ng Ilocos Sur.


‎Ayon kay Ilocos CHD Regional Director Dr. Helen D. Tobias, mahalaga ang pamumuhunan ng lokal na pamahalaan sa mga pasilidad pangkalusugan upang matiyak na ang mamamayan ay makatatanggap ng dekalidad at abot-kayang serbisyong medikal na mas malapit sa kanilang komunidad.


‎Ang bagong pasilidad ay magsisilbing sentro para sa iba’t ibang pangunahing serbisyong pangkalusugan tulad ng konsultasyong medikal, regular na check-up, diagnostic services, pangangalaga sa mga ina at bata, pagbabakuna, at mga programang nakatuon sa pag-iwas sa sakit.

‎Inaasahang mababawasan nito ang pangangailangan ng mga residente na magtungo pa sa malalayong ospital o mas mataas na antas ng pasilidad para lamang sa mga batayang pangangailangang medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments