COMELEC, kinalampag ni Sen. Leila de Lima kaugnay sa mga isyu sa overseas absentee voting

Kinalampag ni Senator Leila de Lima ang Commission on Elections para aksiyunan na ang mga napapaulat na isyu kaugnay sa overseas absentee voting.

Ayon sa senadora, hindi dapat balewalain ng COMELEC ang kapabayaan ng ating mga embahada at konsulada na ipaalam sa mga botante ang electoral process.

Ibinabala ni De Lima na maaari pa itong mauwi sa pagkasayang ng mga boto lalo na kung hindi maayos na matugunan ang mga isyu na kinakaharap ng mga kababayan natin sa abroad.


Matatandaang ilang mga Pilipino sa Hong Kong, Italy, Saudi Arabia, Canada at Estados Unidos ang nagpahayag na posibleng mawalan ng gana ang mga kababayan natin dahil sa umano’y hindi kahandaan ng mga embahada at konsulada sa overseas absentee voting.

May dalawang paraan ng pagboto ang mga overseas voters kung saan pwede silang bumoto sa mga embahada at konsulada o ang postal voting kung saan ipapadala sa kanila ang balota at saka ibabalik kapag nakaboto na ang mga ito.

Facebook Comments