Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na magtalaga ng “isolation polling places” para sa mga botante na mayroong sintomas ng COVID-19 sa mismong araw ng eleksyon.
Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Torrefranca-Neri, isa ito sa mga hakbang ng poll body para matiyak na magiging ligtas ang pagsasagawa ng halalan para sa mga botante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Maliban dito, lilikha rin ang COMELEC ng medical advisory board na susuporta sa revisiting ng COVID-related guidelines at bubuo ng mga polisiya sa eleksyon.
Makikipagtulungan din ang poll body sa health at medical groups na magtalaga ng medical desks na tutugon sa health related issues ng mga botante.
Inaasahan na ng COMELEC ang halos 67.5 milyong indibidwal o 60 porsyento ng populasyon ng bansa ang boboto sa halalan sa Mayo 9.