Pick-up at drop-off points sa EDSA bus carousel, dadagdagan sa Holy Week

Dadagdagan ng Department of Transportation (DOTr) ang pick-up at drop-off points ng EDSA bus carousel sa Semanta Santa.

Ito ay kasunod ng taunang maintenance shutdown ng Metro Rail Transit (MRT-3) mula Abril 13 hanggang 17.

Kaya bukod sa mga standard bus stops ay papayagan na ring magbaba at magsakay ng mga pasahero ang mga bus sa EDSA bus way sa anim na MRT-3 station.


Kabilang dito ang North Avenue, Quezon Avenue, Santolan, Ortigas, Guadalupe, at Buendia.

Narito ang listahan ng mga pick-up at drop-off points ng EDSA Bus Carousel para sa Mahal na Araw.

• Monumento
• Bagong Barrio
• Balintawak
• Kaingin Road
• LRT-1 Roosevelt Station
• MRT-3 North Avenue Station
• MRT-3 Quezon Avenue Station
• Nepa Q-Mart
• Cubao Main Avenue
• MRT-3 Santolan Station
• MRT-3 Ortigas Station
• Guadalupe Bridge
• MRT-3 Buendia Station
• Ayala Avenue Bus Stop
• Taft Avenue (curbside)
• SM Mall of Asia
• Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX)

Tuloy-tuloy naman ang operasyon ng bus carousel araw-araw simula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Facebook Comments