Naniniwala si Senator Win Gatchalian na may panahon pa para tugunan ang mga maaaring depekto sa kasalukuyang sistema ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Gatchalian, mabigat na pasanin ito dahil kapakanan ng higit sa 100 milyong Pilipino sa susunod na anim na taon ang nakasalalay sa darating na May 2022 elections.
Pahayag ito ni Gatchalian, kasunod ng report na nagkaroon ng hacking sa online server ng COMELEC na naglalaman ng mga sensitibong impormasyon.
Sadyang nakakabahala ito para kay Gatchalian lalo na’t ilang linggo lamang ang nakaraan ng nagkaroon ng security breach sa protocols sa ilang bangko at nagawang nakawan ng mga hacker ang daan-daang depositors.
Sinabi ni Gatchalian, dapat imbestigahang mabuti ang hacking incident sa COMELEC at katulad ng iba pang ahensya ng gobyerno ay dapat ding may nakalatag ng hakbang ang COMELEC para hindi mabiktima ng hacking.
Diin ni Gatchalian, kasama sa taunang budget ng COMELEC para sa information technology infrastructure para sa kailangang cyber security requirements upang hindi makompromiso ang resulta ng darating na halalan.