“No vaccine, No ride/entry” Policy, ipapatupad na rin sa PITX

123

Tiniyak ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na magpapatupad na rin sila ng “No vaccine, No ride/entry” Policy.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na “No vaccine, No ride/entry” Policy sa National Capital Region (NCR) sa harap ng pinaiiral na Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ayon kay PITX Spokesman Jason Salvador, hinihintay na lamang nila ang kopya ng department order ng DOTr.


Makikipag-ugnayan aniya sila sa DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagpapatupad sa nasabing polisiya.

Facebook Comments